Napakaraming
bumabagabag sa tila ba hindi ko maipahingang isip.
Pabugso-bugso
ang aking nararamdaman, ngunit wala ni isa rito ang saya o kaligayahan.
Lungkot,
kawalang pag-asa, panghihina ng loob.
Naisip
kong mamatay na lamang.
May
kaunting takot na aandap-andap.
Naisip
kong wag munang sumuko, pero tila ba wala ng ibang pagpipilian.
Pakiramdam
ko’y walang nakaiintindi ng pinagdaraanan ko.
Palakas
ng palakas ang sigaw sa kaibuturan ng aking kaluluwa.
Ngunit
wala ni isang tunog ang lumalabas sa aking bibig.
Sa
kada pagpikit ng aking mata, ramdam ko ang pagkunit ng aking noo.
Galit,
inis, poot.
Sa
sarili, sa mga nangyari at nangyayari.
Gusto
kong magpahinga, ngunit patuloy sa pagtakbo ang aking utak.
Taliwas
sa mabagal na pagtibok nga aking puso.
Di
ko mapaliwanag ang nararamdaman ko.
Hindi
ko alam kung paano ako lalabas dito.
Wala
na akong gana sa kahit ano.
Iniisip
ko lang ba ito?
May sakit ba ako?
Hindi ko alam.
Tila ba nawalang saysay ang buhay ko.
Sa isang iglap, hindi ko na alam.###
7/27/16 | 10:59PM
No comments:
Post a Comment