Tuesday, August 2, 2016

Hindi ako makatulog.


Napakaraming bumabagabag sa tila ba hindi ko maipahingang isip.
Pabugso-bugso ang aking nararamdaman, ngunit wala ni isa rito ang saya o kaligayahan.

Lungkot, kawalang pag-asa, panghihina ng loob.

Naisip kong mamatay na lamang.
May kaunting takot na aandap-andap.

Naisip kong wag munang sumuko, pero tila ba wala ng ibang pagpipilian.

Pakiramdam ko’y walang nakaiintindi ng pinagdaraanan ko.

Palakas ng palakas ang sigaw sa kaibuturan ng aking kaluluwa.
Ngunit wala ni isang tunog ang lumalabas sa aking bibig.

Sa kada pagpikit ng aking mata, ramdam ko ang pagkunit ng aking noo.
Galit, inis, poot.
Sa sarili, sa mga nangyari at nangyayari.

Gusto kong magpahinga, ngunit patuloy sa pagtakbo ang aking utak.
Taliwas sa mabagal na pagtibok nga aking puso.

Di ko mapaliwanag ang nararamdaman ko.
Hindi ko alam kung paano ako lalabas dito.

Wala na akong gana sa kahit ano.
Iniisip ko lang ba ito?

May sakit ba ako?
Hindi ko alam.

Tila ba nawalang saysay ang buhay ko.
Sa isang iglap, hindi ko na alam.###

7/27/16 | 10:59PM